Mga Awit 4:2 - Compare All Versions
Mga Awit 4:2 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)
Mga Awit 4:2 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kayong mga tao, kailan kayo titigil sa paninirang-puri sa akin? Hanggang kailan ninyo iibigin ang mga bagay na walang kabuluhan at susundin ang mga bulaan?
Mga Awit 4:2 TLAB (Ang Biblia)
Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
Mga Awit 4:2 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin? Ang walang kabuluhan at kasinungalingan, hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)
Mga Awit 4:2 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)