Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 4

4
Panalangin sa Gabi
Katha ni David upang awitin ng Punong Mang-aawit; sa saliw ng instrumentong may kuwerdas.
1Sagutin mo po ang aking pagtawag,
O Diyos, na aking kalasag!
Sa kagipitan ko, ako'y iyong tinulungan,
kaawaan mo ako ngayon, dalangin ko'y pakinggan.
2Kayong mga tao, hanggang kailan ninyo ako hahamakin?
Ang walang kabuluhan at kasinungalingan,
hanggang kailan ninyo iibigin? (Selah)#2 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
3Dapat ninyong malamang itinalaga ni Yahweh ang matuwid,
kapag tumatawag ako sa kanya, siya'y nakikinig.
4Huwag#Ef. 4:26. hayaang magkasala ka nang dahil sa galit;
sa iyong silid, pag-isipa't ika'y manahimik. (Selah)#4 SELAH: Tingnan ang Awit 3:2.
5Nararapat na handog, inyong ialay,
pagtitiwala n'yo'y kay Yahweh ibigay.
6Tanong ng marami, “Sinong tutulong sa atin?”
Ikaw, O Yahweh ang totoong mahabagin!
7Puso ko'y iyong pinuno ng lubos na kagalakan,
higit pa sa pagkain at alak na inumin.
8Sa aking paghiga, nakakatulog nang mahimbing,
pagkat ikaw, Yahweh, ang nag-iingat sa akin.

Kasalukuyang Napili:

Mga Awit 4: RTPV05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya