Salmo 4
4
Salmo 4
Para sa direktor ng mga mang-aawit: Awit na isinulat ni David na sinasaliwan ng mga instrumentong may kuwerdas.
1Ang panawagan koʼy iyong dinggin,
O Diyos na nagtatanggol sa akin.
Akoʼy bigyang kaginhawahan
sa panahon ng aking kagipitan.
Akoʼy inyong kahabagan,
panalangin ko ay pakinggan.
2Kayong mga tao,
kailan kayo titigil sa paninirang-puri sa akin?
Hanggang kailan ninyo iibigin
ang mga bagay na walang kabuluhan
at susundin ang mga bulaan?#4:2 iibigin … bulaan: Maaaring ang ibig sabihin ay pagsamba sa diyos-diyosan o makasalanang pamumuhay.
3Tandaan ninyo:
Ibinukod ng Panginoon ang kanyang mga hinirang.
Kapag akoʼy tumawag sa kanya,
akoʼy pakikinggan niya.
4Kapag kayoʼy nagagalit,
huwag kayong magkakasala.
Magbulay-bulay nang may katahimikan
habang kayoʼy nakahiga sa higaan.
5Ialay sa Panginoon ang mga nararapat na handog
at magtiwala sa kanya.
6Marami ang nagsasabi,
“Sino ang magpapakita sa atin ng mabuti?”
Panginoon, ipakita po ninyo sa amin
ang inyong kabutihan!
7Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin,
higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin.
8Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,
sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.
Kasalukuyang Napili:
Salmo 4: ASD
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
Ang Banal na Bibliya, Ang Salita ng Diyos™, ASD™
Karapatang-sipi © 2009, 2011, 2014, 2025 ng Biblica, Inc.
Ginamit nang may pahintulot ng Biblica, Inc.
Reserbado ang lahat ng karapatan sa buong mundo.
―――――――
Holy Bible, Tagalog Contemporary Bible™
Copyright © 2009, 2011, 2014, 2025 by Biblica, Inc.
Used with permission. All rights reserved worldwide.