Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 118

118
Pagpapasalamat sa pagliligtas ng Panginoon.
1Oh mangagpasalamat kayo #1 Cron. 16:34, 41; Awit 106:1. sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
2 # Awit 115:9-11. Magsabi ngayon ang Israel,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
3Magsabi ngayon ang sangbahayan ni Aaron,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
4Mangagsabi ngayon ang nangatatakot sa Panginoon,
Na ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
5 # Awit 120:1. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon:
Sinagot ako ng Panginoon, at inilagay ako #2 Sam. 22:20. sa maluwag na dako.
6 # Heb. 13:6. Ang Panginoon ay kakampi ko; #Awit 56:4, 11. hindi ako matatakot:
Anong magagawa ng tao sa akin?
7 # Awit 54:4. Ang Panginoon ay kakampi ko sa gitna nila na nagsisitulong sa akin:
# Awit 54:7. Kaya't makikita ko ang nasa ko sa kanila na nangagtatanim sa akin.
8 # Awit 146:3. Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa tao.
9Lalong mabuti ang manganlong sa Panginoon
Kay sa maglagak ng tiwala sa mga pangulo.
10Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
11Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
12Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila'y #Deut. 1:44. nangamatay na parang #Awit 58:9. apoy ng mga dawag:
Sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.
13Itinulak mo akong bigla upang ako'y mabuwal:
Nguni't tulungan ako ng Panginoon.
14Ang Panginoon ay #Ex. 15:2; Is. 12:2. aking kalakasan at awit;
At siya'y naging aking kaligtasan.
15Ang tinig ng kagalakan at kaligtasan ay nasa mga tolda ng matuwid:
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
16 # Luc. 1:51. Ang kanan ng Panginoon ay nabunyi;
Ang kanan ng Panginoon ay gumagawang matapang.
17 # Hab. 1:12. Hindi ako mamamatay, kundi mabubuhay,
At #Awit 107:22. magpapahayag ng mga gawa ng Panginoon.
18 # 2 Cor. 6:9. Pinarusahan akong mainam ng Panginoon;
Nguni't hindi niya ako ibinigay sa kamatayan.
19 # Awit 24:7, 9. Buksan ninyo sa akin ang mga pintuan ng katuwiran;
Aking papasukan, ako'y magpapasalamat sa Panginoon.
20Ito'y siyang pintuan ng Panginoon;
# Is. 35:8; Apoc. 22:14. Papasukan ng matuwid.
21Ako'y magpapasalamat sa iyo, sapagka't sinagot mo ako!
At ikaw ay naging aking kaligtasan.
22 # Mat. 21:42; Mar. 12:10, 11; Luc. 20:17; Gawa 4:11; Ef. 2:20; 1 Ped. 2:4, 7. Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay
Ay naging pangulo sa sulok.
23Ito ang gawa ng Panginoon:
Kagilagilalas sa harap ng ating mga mata.
24Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y mangagagalak at ating katutuwaan.
25Magligtas ka ngayon, isinasamo namin sa iyo, Oh Panginoon:
Oh Panginoon, isinasamo namin sa iyo, magsugo ka ngayon ng kaginhawahan.
26 # Mat. 21:9; 23:39; Mar. 11:9; Luc. 13:35. Mapalad siya na dumarating sa pangalan ng Panginoon:
Aming pinuri kayo mula sa bahay ng Panginoon.
27Ang Panginoon ay Dios, at #Awit 97:11. binigyan niya kami ng liwanag;
Talian ninyo ang hain ng mga panali, sa makatuwid baga'y sa mga tila #Ex. 27:2. sungay ng dambana.
28Ikaw ay aking Dios, at magpapasalamat ako sa iyo:
Ikaw ay aking Dios, aking ibubunyi ka.
29 # tal. 1. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon, sapagka't siya'y mabuti:
Sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 118: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya