Job 38:39-41
Job 38:39-41 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?
Job 38:39-41 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon upang sila ay mabusog habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa Diyos?
Job 38:39-41 Ang Biblia (TLAB)
Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.
Job 38:39-41 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?
Job 38:39-41 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, At nagsisitahan sa guwang upang bumakay? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?