Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 38:1-41

Job 38:1-41 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo, “Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan. Tumayo ka riyan at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo. Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat, alam mo ba ito? Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo? Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato? Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan, at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan. “Sino ang humarang sa agos ng dagat, nang mula sa kalaliman ito'y sumambulat? Tinakpan ko ang dagat ng ulap na makapal, at binalutan ito ng kadiliman. Ang dagat ay nilagyan ko ng hangganan, upang ito'y manatili sa likod ng mga harang. Sinabi kong sila'y hanggang doon na lang, at huwag lalampas ang alon na naglalakihan. Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang-liwayway? Ang daigdig ba ay naigawa mo ng tanglaw, upang ang masasama'y mabulabog sa taguan? Malinaw na gaya ng tatak sa putik, nang makulayan ay tumingkad gaya ng damit. Masasamang tao'y nasisilaw sa liwanag ng araw, sa paggawa ng karahasan sila'y napipigilan. “Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng karagatan? Ang sahig ng dagat ay iyo bang nalakaran? May nakapagturo na ba sa iyo sa mga pintuan na pasukan tungo sa madilim na daigdig ng mga patay? Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sumagot ka kung alam mo. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, at ang kadiliman, saan ba ito nagbubuhat? Masasabi mo ba kung hanggang saan dapat makarating, at mula doon sila'y iyong pabalikin? Ikaw ay matanda na, baka nga iyong kaya, pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay nariyan na! “Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan? Ang mga ito'y aking inilalaan, sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan. Nakapunta ka na ba sa sikatan ng araw, o sa pinagmumulan ng hanging silangan? “Sino nga ba ang humukay ng daanan ng baha? Ang landas ng kulog ay sino ang gumawa? Sino ang nagbibigay ng ulan sa disyerto, kahit na doo'y wala namang nakatirang tao? Sino ang dumidilig sa tigang na lupa, upang dito'y tumubo ang damong sariwa? Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama? Ang yelong malamig, mayroon bang ina? Sino nga kaya ang nagsilang sa kanila? Sa labis na lamig, tubig ay tumitigas, nagiging parang bato ang ibabaw ng dagat. “Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper? Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig? “Ang mga ulap ba'y iyong mauutusan upang sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na ito'y kumislap, sumunod naman kaya sa iyong mga atas? Sino ang nagsasabi sa ibong Ibis kung kailan tataas ang Ilog Nilo, at sino ang nagpapabatid sa tandang upang ibadya ang pagdating ng bukang-liwayway? Sinong makakabilang sa ulap na makapal, o makakapagtaob nito upang bumuhos ang ulan? Ang ulan na sa alabok ay babasa, kapag iyon ay natuyo, magiging matigas na lupa. “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?

Job 38:1-41 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Pagkatapos, sinagot ng PANGINOON si Job mula sa ipuipo, sinabi niya, “Sino itong nag-aalinlangan sa aking karunungan? At nagsasalita ng pawang kamangmangan. Humanda ka. Sagutin mo ang aking mga tanong. “Nasaan ka noong itinatag ko ang pundasyon ng daigdig? Sabihin mo kung iyong nauunawaan. Alam mo ba kung sino ang nagpasya ng magiging lawak ng pundasyon at sukat nito? Sino ang may hawak ng pundasyon ng mundo? At sino ang naglagay ng pundasyon na ito habang sama-samang umaawit ang mga bituin sa umaga at nagsisigawan sa tuwa ang lahat ng anghel? “Sino ang naglagay ng hangganan sa dagat nang bumulwak ito mula sa kailaliman? Ako ang naglagay ng makapal na ulap at kadiliman bilang takip ng dagat. Itinakda ko ang hangganan ang dagat; parang pintuang isinara at nilagyan ng tarangka. Sinabihan ko ang dagat, ‘Hanggang dito ka lang at huwag kang lalampas; hanggang dito lang ang malalaki mong alon.’ “Nautusan mo na ba ang umaga na magliwanag, o ituro sa bukang-liwayway kung saan siya sisikat? Nagawa mo na bang ikalat ang liwanag ng araw sa buong mundo para mapatigil ang kasamaang ginagawa kapag madilim? At dahil sa sikat ng araw, ang daigdig ay malinaw na nakikita katulad ng marka ng pantatak at lukot ng damit. Ang liwanag ay nakakapigil sa masasama, dahil hindi sila makakagawa ng karahasan sa iba. “Ikaw baʼy nakapunta na sa mga bukal na nasa ilalim ng dagat o sa pinakamalalim na bahagi ng dagat? Naipakita na ba sa iyo ang mga pintuang patungo sa lugar ng mga patay? Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sabihin mo sa akin kung alam mo ang lahat ng ito! “Saan ang daan patungo sa tahanan ng liwanag? Saan ang tahanan ng kadiliman? Madadala mo ba sila sa kanilang pinanggalingan? Alam mo ba ang daan patungo sa kanilang tahanan? Oo nga pala, alam mo ang lahat ng ito dahil ipinanganak ka na bago pa likhain ang mga ito at matagal na panahon ka nang nabubuhay! “Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo? Ang mga yelong itoʼy inihahanda ko para sa panahon ng kaguluhan at digmaan. Alam mo kung saan nagmumula ang kidlat? At kung saan nagmumula ang hanging silangan? Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo? Sino nga ba ang nagpapadala ng ulan sa disyerto, sa lugar na walang nakatirang tao? Sino ang nagpapadala ng ulan sa ilang upang tumubo ang mga damo? Mayroon bang ama ang ulan? Sino ang ama ng mga ng hamog? Sino ang ina ng niyebe? Sino ang nagsilang sa yelong mula sa langit? Ang tubig ay nagyeyelo na kasintigas ng bato, pati na ang itaas na bahagi ng dagat. “Kaya mo pagkumpul-kumpulin ang mga bituin ng Pleyades o ikalat ang mga bituin ng Orion? Masasabihan mo ba ang mga bituin na lumabas sa tamang oras? o magagabayan ang mga bituing Malaking Oso at Maliit na Oso sa kanilang daan? Alam mo ba ang mga tuntuning umiiral sa langit? Ito kayaʼy mapapairal mo rito sa lupa? “Masisigawan mo ba ang mga ulap para bumuhos sila ng ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na kumislap? Mapapasunod mo kaya ito? Sino ang nagbibigay ng karunungan at pang-unawa ng tao? Sinong napakarunong ang makakabilang ng mga ulap? Sinong makakapagbuhos ng tubig mula sa langit upang ang mga tuyong alikabok ay maging buo-buong putik? “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon upang sila ay mabusog habang silaʼy nagtatago sa kanilang lungga o sa maliliit na punongkahoy? Sino ang nagpapakain sa mga uwak kapag silaʼy nagugutom at kapag ang mga inakay nilaʼy humihingi ng pagkain sa Diyos?

Job 38:1-41 Ang Biblia (TLAB)

Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata? Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon, At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto, At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon? Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako; Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon? Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan: At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali. Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman? Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan? Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat. Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon; Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon? Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami? Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog; Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao. Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo? May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig? Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami? Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.

Job 38:1-41 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Pagkatapos nito, sumagot ang Diyos kay Job sa pamamagitan ng malakas na bagyo, “Sino kang mag-aalinlangan sa aking kaalaman? Lalo lamang lumilitaw ang iyong kamangmangan. Tumayo ka riyan at magpakalalaki, tanong ko'y sagutin, ikaw ay magsabi. Nasaan ka nang likhain ko ang mundo? Kung talagang may alam ka, lahat ay sabihin mo. Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito? Sino ang sumukat, alam mo ba ito? Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo? Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato? Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan, at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan. “Sino ang humarang sa agos ng dagat, nang mula sa kalaliman ito'y sumambulat? Tinakpan ko ang dagat ng ulap na makapal, at binalutan ito ng kadiliman. Ang dagat ay nilagyan ko ng hangganan, upang ito'y manatili sa likod ng mga harang. Sinabi kong sila'y hanggang doon na lang, at huwag lalampas ang alon na naglalakihan. Job, nakalikha ka ba kahit isang bukang-liwayway? Ang daigdig ba ay naigawa mo ng tanglaw, upang ang masasama'y mabulabog sa taguan? Malinaw na gaya ng tatak sa putik, nang makulayan ay tumingkad gaya ng damit. Masasamang tao'y nasisilaw sa liwanag ng araw, sa paggawa ng karahasan sila'y napipigilan. “Nakapunta ka na ba sa mga bukal ng karagatan? Ang sahig ng dagat ay iyo bang nalakaran? May nakapagturo na ba sa iyo sa mga pintuan na pasukan tungo sa madilim na daigdig ng mga patay? Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sumagot ka kung alam mo. “Alam mo ba kung saan nanggagaling ang liwanag, at ang kadiliman, saan ba ito nagbubuhat? Masasabi mo ba kung hanggang saan dapat makarating, at mula doon sila'y iyong pabalikin? Ikaw ay matanda na, baka nga iyong kaya, pagkat nang likhain ang daigdig, ikaw ay nariyan na! “Napuntahan mo na ba ang aking mga imbakan ng niyebe at ng yelong ulan? Ang mga ito'y aking inilalaan, sa panahon ng digmaan at ng kaguluhan. Nakapunta ka na ba sa sikatan ng araw, o sa pinagmumulan ng hanging silangan? “Sino nga ba ang humukay ng daanan ng baha? Ang landas ng kulog ay sino ang gumawa? Sino ang nagbibigay ng ulan sa disyerto, kahit na doo'y wala namang nakatirang tao? Sino ang dumidilig sa tigang na lupa, upang dito'y tumubo ang damong sariwa? Ang ulan ba o ang hamog ay mayroong ama? Ang yelong malamig, mayroon bang ina? Sino nga kaya ang nagsilang sa kanila? Sa labis na lamig, tubig ay tumitigas, nagiging parang bato ang ibabaw ng dagat. “Ang Pleyades ba'y iyong matatalian, o ang Orion kaya'y iyong makakalagan? Mapapatnubayan mo ba ang mga bituin, o maituturo ang daan ng malaki't maliit na diper? Alam mo ba ang mga batas sa langit, ito ba'y maiaangkop mo sa daigdig? “Ang mga ulap ba'y iyong mauutusan upang sa lupa ay magbuhos ng malakas na ulan? Mauutusan mo ba ang kidlat na ito'y kumislap, sumunod naman kaya sa iyong mga atas? Sino ang nagsasabi sa ibong Ibis kung kailan tataas ang Ilog Nilo, at sino ang nagpapabatid sa tandang upang ibadya ang pagdating ng bukang-liwayway? Sinong makakabilang sa ulap na makapal, o makakapagtaob nito upang bumuhos ang ulan? Ang ulan na sa alabok ay babasa, kapag iyon ay natuyo, magiging matigas na lupa. “Maihahanap mo ba ng pagkain ang mga leon, upang mapawi ang kanilang gutom? Habang sila'y naroon sa kanilang taguan, at wari bang pagkai'y kanilang hinihintay? Sino ang nagbibigay ng pagkain sa mga ibon, sino ang bumubusog sa kanilang inakay na nagugutom?

Job 38:1-41 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi, Sino ito na nagpapadilim ng payo. Sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman? Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: Sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin. Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa. Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan? Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon; Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan? O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, Nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata; Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, At ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon, At aking itinatag doon ang aking pasiya, At nilagyan ko ng mga halang at mga pinto, At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: At dito'y titigil ang iyong mga palalong alon? Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, At ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako; Upang humawak sa mga wakas ng lupa, At ang masasama ay maugoy doon? Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; At lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan: At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, At ang mataas na kamay ay mababali. Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman? Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan? Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat. Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, At tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon; Upang iyong madala sa hangganan niyaon, At upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon? Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, At ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami! Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, O nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo, Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, Laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma? Sa aling daan naghiwalay ang liwanag. O sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa? Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, O ng daanan ng kidlat ng kulog; Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao. Sa ilang na doon ay walang tao. Upang busugin ang giba at sirang lupa; At upang pasibulin ang sariwang damo? May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog? Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino? Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, At ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno. Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, O makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion? Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak? Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa? Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, Upang takpan ka ng saganang tubig? Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, At magsabi sa iyo: Nangarito kami? Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip? Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit, Pagka ang alabok ay napuputik, At ang mga bugal ay nanganinikit na maigi? Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon, Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, At nagsisitahan sa guwang upang bumakay? Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, Pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, At nagsisigala sa kakulangan ng pagkain?