Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Job 15:17-35

Job 15:17-35 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

“Makinig ka at sa iyo'y aking sasabihin, ang lahat ng nakita ko at naabot ng paningin. Mga taong matatalino ang sa akin ay nagturo, mga katotohanang inilahad ng kanilang mga ninuno. Ang lupain ay sa kanila lamang ibinigay at walang dayuhan na sa kanila'y nakipanirahan. “Ang taong mapang-api at puno ng kasamaan, laging nasa ligalig habang siya'y nabubuhay. Lagi siyang makakarinig nakakatakot na tinig, papasukin siya ng tulisan kung kailan siya'y tahimik. Hindi siya makakatakas sa lagim ng kamatayan pagkat mayroong tabak na sa kanya'y nag-aabang. Mga buwitre'y naghihintay upang kainin ang kanyang bangkay, alam niyang madilim ang kanyang kinabukasan. Takot ang naghahari sa buo niyang katauhan, parang laging hinahabol ng haring makapangyarihan. “Ganito ang sasapitin ng taong nagyayabang at ng humahamon sa Diyos na Makapangyarihan. Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuway at ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag, at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal. Siya ay nanakop ng maraming bayan, mga bahay na nilisan ay kanyang kinamkam, ngunit mga iyon ay mawawasak pagdating ng digmaan. Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal, maging ang buhay niya'y madali ring papanaw. Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog, na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin. Dahil nagtiwala siya sa kahangalan, kahangalan din ang kanyang kabayaran. Maaga niyang tatanggapin ang kanyang kabayaran, tulad ng sangang nalanta, di na muling mananariwa. Makakatulad niya'y ubas na kahit hilaw na bunga'y nalalagas, at tulad ng olibo na ang mga bulaklak ay nalalaglag. Walang matitira sa lahi ng masama, masusunog ang bahay na sa suhol nagmula. Ganyan ang mga taong nagbabalak ng kasamaan, pandaraya ang palaging nasa puso at isipan.”

Job 15:17-35 Ang Salita ng Diyos (ASD)

“Job, pakinggan mo ako. Sasabihin ko sa iyo at ipapaliwanag ang mga naranasan ko. May masasabi rin tungkol dito ang mga marurunong na tao na natuto sa kanilang mga ninuno. Sila lang ang nagmamay-ari ng kanilang lupain, at walang dayuhang sumakop sa kanila. Ang taong masama ay maghihirap habambuhay. Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niyang baka salakayin siya ng mga tulisan. Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya. Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan. Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway. Nangyayari ito sa kanya dahil nagrerebelde at sumusuway siya sa Diyos na Makapangyarihan. Para siyang nakahawak sa matibay na kalasag at handang kalabanin ang Diyos. Kahit na ang mukha niyaʼy nababalot ng taba at umuumbok ang kanyang bilbil, titira siya sa mga gibang bayan, sa mga bahay na walang nakatira at malapit nang gumuho. Hindi na dadami ang kanyang kayamanan, at ang mga natitira niyang yaman at ari-arian ay hindi na magtatagal. Hindi siya makakatakas sa kapahamakan. Magiging tulad siya ng puno na ang mga sangaʼy masusunog. Lahat ng ari-arian niya ay mawawala sa isang ihip lamang ng Diyos. Huwag sana niyang dayain ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga bagay na walang kabuluhan, dahil wala siyang makukuha sa mga iyon. Maagang darating sa kanya ang kanyang parusa at hindi na siya uunlad pa. At magiging tulad siya ng ubas na nalalagas ang mga hilaw na bunga o katulad ng olibong nalalagas ang mga bulaklak. Sapagkat mamamatay nang walang lahi ang mga taong walang takot sa Diyos. At ang mga bahay na itinayo nila mula sa mga suhol ay masusunog. Ang lagi nilang iniisip ay ang manggulo, gumawa ng masama, at mandaya.”

Job 15:17-35 Ang Biblia (TLAB)

Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; at ang aking nakita ay aking ipahahayag: (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid; Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, at walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:) Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati. Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam: Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, at siya'y hinihintay ng tabak: Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay: Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka; Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat; Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag; Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at nagpangulubot ng kaniyang mga pigi; At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, sa mga bahay na walang taong tumatahan, na madaling magiging mga bunton. Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pag-aari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik. Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, at sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya. Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya. Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, at ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa. Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, at lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo. Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, at susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan. Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, at ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.

Job 15:17-35 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

“Makinig ka at sa iyo'y aking sasabihin, ang lahat ng nakita ko at naabot ng paningin. Mga taong matatalino ang sa akin ay nagturo, mga katotohanang inilahad ng kanilang mga ninuno. Ang lupain ay sa kanila lamang ibinigay at walang dayuhan na sa kanila'y nakipanirahan. “Ang taong mapang-api at puno ng kasamaan, laging nasa ligalig habang siya'y nabubuhay. Lagi siyang makakarinig nakakatakot na tinig, papasukin siya ng tulisan kung kailan siya'y tahimik. Hindi siya makakatakas sa lagim ng kamatayan pagkat mayroong tabak na sa kanya'y nag-aabang. Mga buwitre'y naghihintay upang kainin ang kanyang bangkay, alam niyang madilim ang kanyang kinabukasan. Takot ang naghahari sa buo niyang katauhan, parang laging hinahabol ng haring makapangyarihan. “Ganito ang sasapitin ng taong nagyayabang at ng humahamon sa Diyos na Makapangyarihan. Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuway at ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag, at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal. Siya ay nanakop ng maraming bayan, mga bahay na nilisan ay kanyang kinamkam, ngunit mga iyon ay mawawasak pagdating ng digmaan. Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal, maging ang buhay niya'y madali ring papanaw. Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob, siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog, na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin. Dahil nagtiwala siya sa kahangalan, kahangalan din ang kanyang kabayaran. Maaga niyang tatanggapin ang kanyang kabayaran, tulad ng sangang nalanta, di na muling mananariwa. Makakatulad niya'y ubas na kahit hilaw na bunga'y nalalagas, at tulad ng olibo na ang mga bulaklak ay nalalaglag. Walang matitira sa lahi ng masama, masusunog ang bahay na sa suhol nagmula. Ganyan ang mga taong nagbabalak ng kasamaan, pandaraya ang palaging nasa puso at isipan.”

Job 15:17-35 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Ipakikilala ko sa iyo, dinggin mo ako; At ang aking nakita ay aking ipahahayag: (Ang isinaysay ng mga pantas na mula sa kanilang mga magulang, at hindi inilingid; Sa mga yaon lamang ibinigay ang lupain, At walang taga ibang lupa na dumaan sa gitna nila:) Ang masamang tao ay nagdaramdam ng sakit lahat ng kaniyang araw, Sa makatuwid baga'y ang bilang ng mga taon na itinakda sa mamimighati. Ang hugong ng kakilabutan ay nasa kaniyang mga pakinig; Sa kaginhawahan ay daratnan siya ng mga mananamsam: Siya'y hindi naniniwala na babalik siya na mula sa kadiliman, At siya'y hinihintay ng tabak: Siya'y gumagala dahil sa tinapay, na nagsasabi: Nasaan? Kaniyang nalalaman na ang araw ng kadiliman ay handa sa kaniyang kamay: Kapanglawan at kadalamhatian ay tumatakot sa kaniya: Nangananaig laban sa kaniya, na gaya ng isang hari na handa sa pakikipagbaka; Sapagka't iniuunat niya ang kaniyang kamay laban sa Dios. At nagpapalalo laban sa Makapangyarihan sa lahat; Tinatakbo niya siya na may mapagmatigas na leeg, Sa kakapalan ng kaniyang mga kalasag; Sapagka't tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan At nagpangulubot ng kaniyang mga pigi; At siya'y tumahan sa mga sirang bayan, Sa mga bahay na walang taong tumatahan, Na madaling magiging mga bunton. Hindi siya yayaman, o mamamalagi man ang kaniyang pagaari. Ni di lalawak sa lupa ang kaniyang mga tinatangkilik. Siya'y hindi hihiwalay sa kadiliman; Tutuyuin ng liyab ang kaniyang mga sanga, At sa pamamagitan ng hininga ng bibig ng Dios ay papanaw siya. Huwag siyang tumiwala sa kalayawan na dayain ang sarili: Sapagka't kalayawan ang magiging kagantihan sa kaniya. Magaganap ito bago dumating ang kaniyang kapanahunan, At ang kaniyang sanga ay hindi mananariwa. Lalagasin niya ang kaniyang mga hilaw na ubas na gaya ng puno ng ubas, At lalagasin ang kaniyang bulaklak na gaya ng olibo. Sapagka't ang pulutong ng mga di banal ay hindi lalago, At susupukin ng apoy ang mga toldang suhulan. Sila'y nag-iisip ng pagapi at naglalabas ng kasamaan, At ang kanilang kalooban ay naghahanda ng pagdaraya.