“Job, pakinggan mo ako. Sasabihin ko sa iyo at ipapaliwanag ang mga naranasan ko. May masasabi rin tungkol dito ang mga marurunong na tao na natuto sa kanilang mga ninuno. Sila lang ang nagmamay-ari ng kanilang lupain, at walang dayuhang sumakop sa kanila. Ang taong masama ay maghihirap habambuhay. Palagi siyang kinakabahan kahit na walang panganib, dahil iniisip niyang baka salakayin siya ng mga tulisan. Takot din siyang pumunta sa dilim dahil baka may pumatay sa kanya. Kung saan-saan siya naghahanap ng pagkain. Alam niyang malapit nang dumating ang kapahamakan. Kaya labis ang kanyang pagkatakot, katulad ng hari na naghahanda sa pagsalakay sa kanyang mga kaaway. Nangyayari ito sa kanya dahil nagrerebelde at sumusuway siya sa Diyos na Makapangyarihan. Para siyang nakahawak sa matibay na kalasag at handang kalabanin ang Diyos. Kahit na ang mukha niyaʼy nababalot ng taba at umuumbok ang kanyang bilbil, titira siya sa mga gibang bayan, sa mga bahay na walang nakatira at malapit nang gumuho. Hindi na dadami ang kanyang kayamanan, at ang mga natitira niyang yaman at ari-arian ay hindi na magtatagal. Hindi siya makakatakas sa kapahamakan. Magiging tulad siya ng puno na ang mga sangaʼy masusunog. Lahat ng ari-arian niya ay mawawala sa isang ihip lamang ng Diyos. Huwag sana niyang dayain ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtitiwala sa mga bagay na walang kabuluhan, dahil wala siyang makukuha sa mga iyon. Maagang darating sa kanya ang kanyang parusa at hindi na siya uunlad pa. At magiging tulad siya ng ubas na nalalagas ang mga hilaw na bunga o katulad ng olibong nalalagas ang mga bulaklak. Sapagkat mamamatay nang walang lahi ang mga taong walang takot sa Diyos. At ang mga bahay na itinayo nila mula sa mga suhol ay masusunog. Ang lagi nilang iniisip ay ang manggulo, gumawa ng masama, at mandaya.”
Basahin Job 15
Makinig sa Job 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Job 15:17-35
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas