Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Efeso 1:3-6 - Compare All Versions

Mga Taga-Efeso 1:3-6 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Mga Taga-Efeso 1:3-6 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espirituwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo na maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya, noong una paʼy itinalaga na niya tayo na maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban, nang sa gayoʼy purihin natin ang Diyos dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.

Mga Taga-Efeso 1:3-6 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak!

Mga Taga-Efeso 1:3-6 TLAB (Ang Biblia)

Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo: Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig: Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban, Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal

Mga Taga-Efeso 1:3-6 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))