Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

EFESO 1

1
1Si #2 Cor. 1:1, 2. Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, #Rom. 1:7. at sa mga tapat kay Cristo Jesus:
2Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.
3 # 2 Cor. 1:3. Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang #tal. 20; Ef. 2:6; 3:10. ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:
4Ayon sa pagkapili niya sa atin #2 Tes. 2:13. sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis #Ef. 5:27; 1 Tes. 4:7. sa harapan niya sa pagibig:
5Na tayo'y itinalaga niya nang una pa #tal. 11; Rom. 8:29, 30. sa pagkukupkop na tulad sa mga anak #Rom. 8:15; 1 Juan 3:1. sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, #tal. 9; Mat. 11:26; 1 Cor. 1:21. ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,
6Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa #Mat. 3:17; Col. 1:13. Minamahal:
7Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, #Gawa 20:28; Rom. 3:24; Col. 1:14. na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
8Na pinasagana niya sa atin, sa buong #Col. 2:3. karunungan at katalinuhan,
9Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga #Rom. 16:25. ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.
10Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, #tal. 20-23. upang tipunin ang #Col. 1:20. lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,
11Tayo rin naman sa kaniya ay #tal. 14, 18. ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa #tal. 9; Rom. 8:28; Ef. 3:11. ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;
12 # tal. 6, 14; Fil. 1:11. Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:
13Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan,—na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan #Ef. 4:30. ng Espiritu Santo, na ipinangako,
14Na siyang patotoo #2 Cor. 1:22. sa ating mana, hanggang sa ikatutubos #Rom. 8:23. ng sariling pagaari ng Dios, #Gawa 20:28. sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.
15Dahil dito ako rin naman, #Col. 1:3, 4. pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,
16Ay #Rom. 1:8. hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin;
17Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, #Juan 20:17. ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;
18Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano #Ef. 4:4. ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang #tal. 11. pamana sa mga banal,
19At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, #Col. 1:20; 2:12. ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,
20Na kaniyang ginawa kay Cristo, #Gawa 2:24. nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at #Awit 110:1; Col. 3:1. pinaupo sa kaniyang kanan #tal. 3. sa sangkalangitan,
21Sa kaibaibabawan ng #tal. 2, 10. lahat na #Col. 1:16. pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa #Fil. 2:9. bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:
22At ang lahat ng mga bagay ay #Awit 8:6; 1 Cor. 15:27. pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang #Ef. 4:15; 5:23; Col. 1:18. maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,
23 # Col. 12:12. Na siyang katawan niya, #Juan 1:16; Ef. 4:13; Col. 1:19. na kapuspusan niyaong #Ef. 4:10. pumupuspos ng lahat sa lahat.

Kasalukuyang Napili:

EFESO 1: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya