Mga Taga-Efeso 1:3-6
Mga Taga-Efeso 1:3-6 ASD
Purihin natin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo! Dahil sa pakikipag-isa natin kay Kristo, ibinigay niya sa atin ang lahat ng pagpapalang espirituwal mula sa langit. Bago pa man niya likhain ang mundo, pinili na niya tayo na maging banal at walang kapintasan sa paningin niya. Dahil sa pag-ibig niya, noong una paʼy itinalaga na niya tayo na maging mga anak niya sa pamamagitan ni Hesu-Kristo. Ayon na rin ito sa kanyang layunin at kalooban, nang sa gayoʼy purihin natin ang Diyos dahil sa kamangha-mangha niyang biyaya na ibinigay sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak.





