Amos 3:7-8
Amos 3:7-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos, kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta. Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag?
Amos 3:7-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Makapangyarihang PANGINOON na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta. Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Makapangyarihang PANGINOON kung ang Makapangyarihang PANGINOON na mismo ang nagsasalita sa kanya?
Amos 3:7-8 Ang Biblia (TLAB)
Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta. Ang leon ay umungal, sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; sinong hindi manghuhula?