Amos 3:1-10
Amos 3:1-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan ninyo, mga taga-Israel, itong sinabi ni Yahweh laban sa inyo na inilabas niya mula sa Egipto: “Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa, kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan. Kaya't kayo'y aking paparusahan dahil sa inyong mga kasalanan.” Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang taong hindi nagkakasundo? Umuungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Umaatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib, kung wala siyang nahuling anuman? Mabibitag ba ang isang ibon kung hindi pinainan? Iigkas ba ang bitag kung ito'y walang huli? Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod, hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao? Kapag may sakunang dumating sa lunsod, hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon? Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos, kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta. Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag? Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod, at sa mga tanggulan ng Egipto, “Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria, tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon, maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.” “Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh. “Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay.
Amos 3:1-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayong mga taga-Israel, na ang mga ninuno ay inilabas ng PANGINOON sa Ehipto, pakinggan ninyo ang sasabihin niya laban sa inyo: “Sa lahat ng bansa sa buong mundo, kayo lamang ang aking pinili na maging mga mamamayan ko. Kaya parurusahan ko kayo dahil sa lahat ng inyong mga kasalanan.” Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang tao kung hindi sila magkasundo? Umaatungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Aatungal ba siya sa loob ng kanyang yungib kung wala siyang nahuli? Mahuhuli ba ang ibon kung walang pain na inilagay sa bitag? At iigkás ba ang bitag kung walang nahuli? Hindi baʼt nanginginig sa takot ang mga tao sa tuwing patutunugin ang trumpeta na nagpapahiwatig na may paparating na kaaway? Mangyayari ba ang kapahamakan sa isang lungsod kung hindi ito pinahintulutan ng PANGINOON? Sa katunayan, hindi gumagawa ng anuman ang Makapangyarihang PANGINOON na hindi muna niya ipinababatid sa kanyang mga lingkod na propeta. Sino ang hindi matatakot kung umaatungal na ang leon? Sino kaya ang hindi magpapahayag ng mensahe ng Makapangyarihang PANGINOON kung ang Makapangyarihang PANGINOON na mismo ang nagsasalita sa kanya? Ipahayag ninyo sa mga pinunong nakatira sa matitibay na bahagi ng Asdod at Ehipto, “Magtipon kayo sa mga burol sa paligid ng Samaria at tingnan ninyo ang kaguluhang nangyayari sa lungsod na ito at ang panggigipit sa mga mamamayan nito.” Sapagkat ito ang sinasabi ng Makapangyarihang PANGINOON laban sa Samaria: “Hindi sila marunong gumawa ng matuwid. Ang matitibay na bahagi ng kanilang lungsod ay puno ng mga bagay na ninakaw at sinamsam.”
Amos 3:1-10 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyo ang salitang ito na sinalita ng Panginoon laban sa inyo, Oh mga anak ni Israel, laban sa buong angkan na aking iniahon mula sa lupain ng Egipto, na sinasabi, Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa: kaya't aking dadalawin sa inyo ang lahat ninyong kasamaan. Makalalakad baga ang dalawa na magkasama, liban na sila'y magkasundo? Uungal baga ang leon sa gubat, kung wala siyang huli? sisigaw baga ang batang leon sa kaniyang yungib, kung wala siyang huling anoman? Malalaglag baga ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa, ng walang silo sa kaniya? lulukso baga ang panghuli mula sa lupa, at walang nahuling anoman? Tutunog baga ang pakakak sa bayan, at ang bayan ay hindi manginginig? sasapit baga ang kasamaan sa bayan, at hindi ginawa ng Panginoon? Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta. Ang leon ay umungal, sinong di matatakot? Ang Panginoong Dios ay nagsalita; sinong hindi manghuhula? Ihayag ninyo sa mga palacio sa Asdod, at sa mga palacio sa lupain ng Egipto, at inyong sabihin, Magpipisan kayo sa mga bundok ng Samaria, at inyong masdan kung anong laking ingay ang nandoon, at kung anong pahirap ang nasa gitna niyaon. Sapagka't hindi sila marunong magsigawa ng matuwid, sabi ng Panginoon, na nagiimbak ng pangdadahas at pagnanakaw sa kanilang mga palacio.
Amos 3:1-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pakinggan ninyo, mga taga-Israel, itong sinabi ni Yahweh laban sa inyo na inilabas niya mula sa Egipto: “Sa lahat ng bansa sa ibabaw ng lupa, kayo lamang ang aking itinangi at inalagaan. Kaya't kayo'y aking paparusahan dahil sa inyong mga kasalanan.” Maaari bang magsama sa paglalakbay ang dalawang taong hindi nagkakasundo? Umuungal ba ang leon sa kagubatan kung wala siyang mabibiktima? Umaatungal ba ang batang leon sa loob ng yungib, kung wala siyang nahuling anuman? Mabibitag ba ang isang ibon kung hindi pinainan? Iigkas ba ang bitag kung ito'y walang huli? Kapag ang mga trumpeta'y humudyat sa lunsod, hindi ba't manginginig sa takot ang mga tao? Kapag may sakunang dumating sa lunsod, hindi ba si Yahweh ang may gawa niyon? Tunay na ang Panginoong Yahweh ay di kumikilos, kung hindi pa ipinababatid sa mga lingkod niyang propeta. Kapag umungal ang leon, sino ang hindi matatakot? Kapag nagsalita ang Panginoong Yahweh, sinong hindi magpapahayag? Ipahayag mo sa mga nakatira sa mga tanggulan ng Asdod, at sa mga tanggulan ng Egipto, “Magtipon kayo sa mga bundok ng Samaria, tingnan ninyo ang malaking kaguluhan doon, maging ang nagaganap na pang-aapi sa lunsod.” “Hindi na nila alam ang paggawa ng mabuti,” sabi ni Yahweh. “Ang mga bahay nila'y punung-puno ng mga bagay na kinamkam sa pamamagitan ng karahasan at pagpatay.
Amos 3:1-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)