Amos 2:1-16
Amos 2:1-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Moab, kaya sila'y paparusahan ko. Sinunog nila at pinulbos ang mga buto ng hari ng Edom. Susunugin ko ang lupain ng Moab; tutupukin ko ang mga tanggulan sa Keriot. Masasawi ang mga taga-Moab sa gitna ng ingay ng labanan, sa sigawan ng mga kawal at tunog ng mga trumpeta. Papatayin ko ang hari ng Moab, gayundin ang mga pinuno sa lupaing iyon.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda, kaya sila'y paparusahan ko. Hinamak nila ang aking mga katuruan; nilabag nila ang aking mga kautusan. Iniligaw sila ng mga diyus-diyosang pinaglingkuran ng kanilang mga ninuno. Susunugin ko ang Juda; tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel, kaya sila'y paparusahan ko. Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid, at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang. Niyuyurakan nila ang mga aba; ipinagtutulakan nila ang mahihirap. Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin, kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan. Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altar ang balabal na sangla ng isang may utang. Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinuman ng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha. Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo, na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina. Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila. Inilabas ko kayo mula sa Egipto, pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon, at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo. Itinalaga kong propeta ang ilan sa inyong mga anak; ginawa kong Nazareo ang iba ninyong kabataan. Mga taga-Israel, hindi ba totoo ang aking sinasabi? Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo, at pinagbawalang mangaral ang mga propeta. Kaya ngayo'y pababagsakin ko kayo sa lupa, gaya ng kariton na di makausad sa bigat ng dala. Maging ang matutuling tumakbo ay di makakatakas. Manghihina pati na ang malalakas, maging ang magigiting ay di rin makakaligtas; walang tatamaan ang mga manunudla; di makakaligtas ang matutuling tumakbo, di rin makakatakas ang mga nakakabayo. Sa araw na iyon ay magsisitakas maging ang pinakamatatapang.”
Amos 2:1-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang sinasabi ng PANGINOON tungkol sa Moab: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Moab, parurusahan ko sila. Sapagkat sinunog nila ang mga buto ng hari ng Edom hanggang sa maging abo ito. Kaya susunugin ko ang Moab pati na ang matitibay na bahagi ng Keriot. Mamamatay ang mga taga-Moab habang nagsisigawan at nagpapatunog ng mga trumpeta ang kanilang mga kaaway na sumasalakay sa kanila. Mamamatay pati ang kanilang hari at ang lahat ng kanyang mga opisyal,” sabi ng PANGINOON. Ito ang sinasabi ng PANGINOON tungkol sa Juda: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Juda, parurusahan ko sila. Sapagkat itinakwil nila ang aking mga kautusan at hindi nila sinunod ang aking mga tuntunin. Iniligaw sila ng paglilingkod nila sa mga diyos-diyosang pinaglingkuran din ng kanilang mga ninuno. Kaya susunugin ko ang Juda pati na ang matitibay na bahagi ng Jerusalem.” Ito ang sinasabi ng PANGINOON tungkol sa Israel: “Dahil sa paulit-ulit na pagkakasala ng mga taga-Israel, parurusahan ko sila. Sapagkat ipinagbibili nila bilang alipin ang mga taong walang kasalanan dahil lamang sa kanilang utang. Ginagawa rin nila ito sa mga mahihirap kahit na isang pares lang na sandalyas ang utang. Ginigipit nila ang mga mahihirap at hindi binibigyan ng katarungan. Mayroon sa kanila na mag-amang nakikipagtalik sa iisang babae. Dahil dito nilalapastangan nila ang aking banal na pangalan. Natutulog sila sa kanilang sambahan na suot ang damit na isinangla sa kanila ng mga mahihirap. At nag-iinuman sila sa aking templo ng alak na binili galing sa ibinayad ng mga mahihirap na may utang sa kanila. “Ngunit ako, ang ginawa ko para sa kanila na mga taga-Israel, nilipol ko ang mga Amoreo, kahit na kasintaas sila ng punong sedro at kasintibay ng punong ensina. Nilipol ko silang lahat at walang itinirang buhay. Inilabas ko rin sa Ehipto ang mga ninuno ng mga taga-Israel at pinatnubayan ko sila sa ilang sa loob ng apatnapung taon upang masakop nila ang lupain ng mga Amoreo. “Pinili ko ang ilan sa mga anak nila na maging propeta at Nazareo. Mga taga-Israel, hindi baʼt totoo itong sinasabi ko?” sabi ng PANGINOON. “Ngunit ano ang ginawa ninyo? Pinainom ninyo ng alak ang mga hinirang kong Nazareo at pinagbawalan ninyo ang mga propeta na sabihin ang ipinasasabi ko. “Kaya makinig kayo! Pahihirapan ko kayo katulad ng kariton na hindi na halos makausad dahil sa bigat ng karga. Kaya kahit na ang pinakamabilis tumakbo sa inyo ay hindi makakatakas, ang malalakas ay manghihina, at ang mga sundalo ay hindi maililigtas ang kanilang sarili. Kahit na ang mga sundalong namamana sa labanan ay uurong. Ang mga sundalong mabilis tumakbo ay hindi makakatakas, at silang mga nakasakay sa kabayo ay hindi rin makakaligtas. Sa araw na iyon, kahit ang pinakamatapang na sundalo ay tatakas na nakahubad,” sabi ng PANGINOON.
Amos 2:1-16 Ang Biblia (TLAB)
Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog. Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak. At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang. Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem. Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak; Na iniimbot ang alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan: At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa. Gayon ma'y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim. Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Egipto, at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang, upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo. At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta, at sa inyong mga binata ng mga Nazareo. Di baga gayon, Oh kayong mga anak ng Israel? sabi ng Panginoon. Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula. Narito, aking huhutukin kayo sa inyong dako, na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis. At ang pagtakas ay mapapawi sa matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili; Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas; ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas: At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.
Amos 2:1-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Moab, kaya sila'y paparusahan ko. Sinunog nila at pinulbos ang mga buto ng hari ng Edom. Susunugin ko ang lupain ng Moab; tutupukin ko ang mga tanggulan sa Keriot. Masasawi ang mga taga-Moab sa gitna ng ingay ng labanan, sa sigawan ng mga kawal at tunog ng mga trumpeta. Papatayin ko ang hari ng Moab, gayundin ang mga pinuno sa lupaing iyon.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda, kaya sila'y paparusahan ko. Hinamak nila ang aking mga katuruan; nilabag nila ang aking mga kautusan. Iniligaw sila ng mga diyus-diyosang pinaglingkuran ng kanilang mga ninuno. Susunugin ko ang Juda; tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.” Ganito ang sabi ni Yahweh: “Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel, kaya sila'y paparusahan ko. Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid, at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang. Niyuyurakan nila ang mga aba; ipinagtutulakan nila ang mahihirap. Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin, kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan. Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altar ang balabal na sangla ng isang may utang. Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinuman ng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha. Nagawa pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo, na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina. Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila. Inilabas ko kayo mula sa Egipto, pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon, at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo. Itinalaga kong propeta ang ilan sa inyong mga anak; ginawa kong Nazareo ang iba ninyong kabataan. Mga taga-Israel, hindi ba totoo ang aking sinasabi? Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo, at pinagbawalang mangaral ang mga propeta. Kaya ngayo'y pababagsakin ko kayo sa lupa, gaya ng kariton na di makausad sa bigat ng dala. Maging ang matutuling tumakbo ay di makakatakas. Manghihina pati na ang malalakas, maging ang magigiting ay di rin makakaligtas; walang tatamaan ang mga manunudla; di makakaligtas ang matutuling tumakbo, di rin makakatakas ang mga nakakabayo. Sa araw na iyon ay magsisitakas maging ang pinakamatatapang.”
Amos 2:1-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Moab, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kaniyang sinunog ang mga buto ng hari sa Edom na pinapaging apog. Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa Moab, at susupukin niyaon ang mga palacio ng Cherioth; at ang Moab ay mamamatay na may kaingay, may hiyawan, at may tunog ng pakakak. At aking ihihiwalay ang hukom sa gitna niyaon, at papatayin ko ang lahat na prinsipe niyaon na kasama niya, sabi ng Panginoon. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Juda, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang itinakuwil ang kautusan ng Panginoon, at hindi iningatan ang kaniyang mga palatuntunan, at iniligaw sila ng kanilang mga pagbubulaan, ayon sa inilakad ng kanilang mga magulang. Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Juda; at susupukin niyaon ang mga palacio ng Jerusalem. Ganito ang sabi ng Panginoon, Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Israel, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ipinagbili ang matuwid dahil sa pilak, at ang mapagkailangan sa dalawang paang panyapak— Na iniimbot ang alabok sa lupa na nasa ulo ng dukha, at inililiko ang lakad ng maamo: at ang magama ay sumisiping sa isang dalaga, upang lapastanganin ang aking banal na pangalan: At sila'y nangahihiga sa tabi ng lahat na dambana, sa ibabaw ng mga kasuutang sangla; at sa bahay ng kanilang Dios ay nagsisiinom ng alak ng mga multa. Gayon ma'y nililipol ko ang Amorrheo sa harap nila, na ang taas ay gaya ng taas ng mga cedro, at siya'y malakas na gaya ng mga encina; gayon ma'y nilipol ko ang kaniyang bunga sa itaas, at ang kaniyang mga ugat sa ilalim. Iniahon ko rin kayo sa lupain ng Egipto, at pinatnubayan ko kayong apat na pung taon sa ilang, upang ariin ninyo ang lupain ng Amorrheo. At nagbangon ako sa inyong mga anak ng mga propeta, at sa inyong mga binata ng mga Nazareo. Di baga gayon, Oh kayong mga anak ng Israel? sabi ng Panginoon. Nguni't binigyan ninyo ang mga Nazareo ng alak na maiinom, at inutusan ninyo ang mga propeta, na sinasabi, Huwag kayong manganghuhula. Narito, aking huhutukin kayo sa inyong dako, na gaya ng isang karong nahuhutok na puno ng mga bigkis. At ang pagtakas ay mapapawi sa matulin; at ang malakas ay hindi makaaasa sa kaniyang kalakasan; ni ang makapangyarihan man ay makapagliligtas sa sarili; Ni makatitindig man siyang humahawak ng busog; at siyang matulin sa paa ay hindi makaliligtas; ni siya mang nakasakay sa kabayo ay makaliligtas: At siya na matapang sa mga makapangyarihan ay tatakas na hubad sa araw na yaon, sabi ng Panginoon.