Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Amos 2

2
1Ganito#Isa. 15:1–16:14; 25:10-12; Jer. 48:1-47; Eze. 25:8-11; Zef. 2:8-11. ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Moab,
kaya sila'y paparusahan ko.
Sinunog nila at pinulbos ang mga buto ng hari ng Edom.
2Susunugin ko ang lupain ng Moab;
tutupukin ko ang mga tanggulan sa Keriot.
Masasawi ang mga taga-Moab sa gitna ng ingay ng labanan,
sa sigawan ng mga kawal at tunog ng mga trumpeta.
3Papatayin ko ang hari ng Moab,
gayundin ang mga pinuno sa lupaing iyon.”
Sa Juda
4Ganito ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Juda,
kaya sila'y paparusahan ko.
Hinamak nila ang aking mga katuruan;
nilabag nila ang aking mga kautusan.
Iniligaw sila ng mga diyus-diyosang
pinaglingkuran ng kanilang mga ninuno.
5Susunugin ko ang Juda;
tutupukin ko ang mga tanggulan ng Jerusalem.”
Ang Paghatol sa Israel
6Ganito ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Israel,
kaya sila'y paparusahan ko.
Dahil sa suhol, pinarusahan nila ang mga matutuwid,
at ibinentang alipin sa halagang isang pares ng sandalyas ang mga taong hindi makabayad ng utang.
7Niyuyurakan nila ang mga aba;
ipinagtutulakan nila ang mahihirap.
Nakikipagtalik ang mag-ama sa iisang babaing alipin,
kaya't nalalapastangan ang aking banal na pangalan.
8Ginagamit nilang higaan sa tabi ng alinmang altar
ang balabal na sangla ng isang may utang.
Sa templo ng kanilang Diyos, sila'y nag-iinuman
ng alak na binili sa salaping ninakaw sa mga dukha.
9Nagawa#Deut. 3:8-11. pa nila ito sa akin matapos kong lipulin ang mga Amoreo,
na kasintangkad ng mga punong sedar at kasintigas ng punong ensina.
Pinuksa kong lahat ang mga ito alang-alang sa kanila.
10Inilabas ko kayo mula sa Egipto,
pinatnubayan sa ilang sa loob ng apatnapung taon,
at ibinigay sa inyo ang lupain ng mga Amoreo.
11Itinalaga#Bil. 6:1-8. kong propeta ang ilan sa inyong mga anak;
ginawa kong Nazareo ang iba ninyong kabataan.
Mga taga-Israel, hindi ba totoo ang aking sinasabi?
12Ngunit pinainom ninyo ng alak ang mga Nazareo,
at pinagbawalang mangaral ang mga propeta.
13Kaya ngayo'y pababagsakin ko kayo sa lupa,
gaya ng kariton na di makausad sa bigat ng dala.
14Maging ang matutuling tumakbo ay di makakatakas.
Manghihina pati na ang malalakas,
maging ang magigiting ay di rin makakaligtas;
15walang tatamaan ang mga manunudla;
di makakaligtas ang matutuling tumakbo,
di rin makakatakas ang mga nakakabayo.
16Sa araw na iyon ay magsisitakas
maging ang pinakamatatapang.”

Kasalukuyang Napili:

Amos 2: MBB05

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya