Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Awit ni Solomon 2:1-4

Ang Awit ni Solomon 2:1-4 RTPV05

Isa lamang akong rosas na sa Saron ay naligaw sa libis nitong bundok, isang ligaw na halaman. Katulad mo'y isang liryo sa gitna ng kasukalan, namumukod ka sa lahat, bukod-tangi, aking hirang. Sa gitna ng kagubatan katulad niya ay mansanas, sa lahat ng mga tao, siya'y walang makatulad; ako'y laging nananabik sa lilim niya'y manatili, ang tamis ng bunga niya kung kanin ko'y anong sarap. Nang ako ay kanyang dalhin sa sagana niyang hapag, sa piling niya'y nadama ko ang pag-ibig niyang tapat.