Dalaga sa Jerusalem, ang ganda ko'y kayumanggi; katulad ko'y mga toldang sa Kedar pa niyayari, tulad ko ri'y mga tabing sa palasyo ng hari. Huwag akong hahamakin nang dahil sa aking kulay, pagkat itong aking balat ay nasunog lang sa araw. Itong mga kapatid ko'y hindi ako kinalugdan, nagkaisa silang ako'y pagbantayin ng ubasan. Pinagyama't sininop ko ang nasabing pataniman, anupa't ang sarili ay kusa kong napabayaan. Itong aking pakiusap, O giliw kong minamahal, sa akin ay sabihin mo, pastulan ng iyong kawan; sa init ng katanghalian, pahingahan nila'y saan? Sa akin ay ituro mo nang ako ay di maligaw. Kung nais mong malaman, O babaing napakaganda, ang dapat lang na gawin mo ay sundan ang mga tupa. Ang kawan ng mga kambing ay doon mo alagaan sa tabi ng mga tolda ng pastol ng aking kawan.
Basahin Ang Awit ni Solomon 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ang Awit ni Solomon 1:5-8
13 Araw
Ang Awit ni Solomon ay isang munting awit ng pag-ibig na nagdiriwang ng pag-ibig, pagnanais, at pag-aasawa na may malawak na paghahambing sa kung paano tayo unang minahal ng Diyos. Araw-araw na paglalakbay sa Awit ni Solomon habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas