Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pahayag 21:3-5

Pahayag 21:3-5 RTPV05

Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Makakapiling nilang palagi ang Diyos at siya ang magiging Diyos nila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.” Pagkatapos ay sinabi ng nakaupo sa trono, “Pagmasdan ninyo, binabago ko na ang lahat ng bagay!” At sinabi niya sa akin, “Isulat mo, maaasahan at totoo ang mga salitang ito.”