Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 89:1-4

Mga Awit 89:1-4 RTPV05

Pag-ibig mo, Yahweh, na di nagmamaliw, ang sa tuwi-t'wina'y aking aawitin; ang katapatan mo'y laging sasambitin. Ang iyong pag-ibig walang katapusan, sintatag ng langit ang iyong katapatan. Sabi mo, O Yahweh, isang kasunduan ang iyong ginawa kay David mong hirang at ito ang iyong pangakong iniwan: “Isa sa lahi mo'y laging maghahari, ang kaharian mo ay mamamalagi.” (Selah)