Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 86:8-13

Mga Awit 86:8-13 RTPV05

Sa sinumang diyos wala kang kawangis, sa iyong gawai'y walang makaparis. Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan. Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila na anumang gawin ay kahanga-hanga! Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim. O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan. O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.