Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili. Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin. Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag. Sa sinumang diyos wala kang kawangis, sa iyong gawai'y walang makaparis. Ang lahat ng bansa na iyong nilalang, lalapit sa iyo't magbibigay galang; sila'y magpupuri sa iyong pangalan. Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila na anumang gawin ay kahanga-hanga! Ang kalooban mo'y ituro sa akin, at tapat ang puso ko na ito'y susundin; turuang maglingkod nang buong taimtim. O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman at ihahayag ko, iyong kadakilaan. O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas; di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay. Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin, taong mararahas, na ang adhikain ay labanan ako't ang buhay ay kitlin. Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait, wagas ang pag-ibig, di madaling magalit, lubhang mahabagi't banayad magalit. Pansinin mo ako, iyong kahabagan, iligtas mo ako't bigyang kalakasan, pagkat ako'y lingkod mo rin tulad ng aking nanay. Pagtulong sa aki'y iyong patunayan; upang mapahiya ang aking kaaway, kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!
Basahin Mga Awit 86
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 86:5-17
7 Days
Being a mom is the most rewarding role we’ll ever play, but the road to and through motherhood is a challenge. It’s full of insecurities, trials, humbling moments, and opportunities to trust God. In this 7-day plan, seven moms from different stages of life share their experiences and hard-fought wisdom on motherhood.
15 Days
We want to encourage you into a thoughtful, daily, heart-to-heart relationship with God. Millions of readers around the world have turned to the daily devotional, Our Daily Bread for moments of quiet reflection. In just a few minutes each day, the inspiring, life-changing stories point you toward your heavenly Father and the wisdom and promises of His unchanging Word.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas