Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 85:8-12

Mga Awit 85:8-12 RTPV05

Aking naririnig mga pahayag na kay Yahweh nagmula; sinasabi niyang ang mga lingkod niya'y magiging payapa, kung magsisisi at di na babalik sa gawang masama. Ang nagpaparangal sa pangalan niya'y kanyang ililigtas, sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap. Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad, ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap. Sa balat ng lupa'y sadyang maghahari itong katapatan, mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan. Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay, ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam