Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 77:16-19

Mga Awit 77:16-19 RTPV05

Noong ikaw ay makita ng maraming mga tubig, pati yaong kalaliman ay natakot at nanginig. Magmula sa mga ulap mga ulan ay bumuhos, at mula sa papawirin, nanggaling ang mga kulog na katulad ay palasong sumisibat sa palibot. Dagundong na gumugulong ang ingay na idinulot, ang guhit ng mga kidlat ay tanglaw sa sansinukob; pati mundo ay nayanig na para bang natatakot. Ang landas mong dinaraana'y malawak na karagatan, ang daan mong tinatahak ay dagat na kalawakan; ngunit walang makakita ng bakas mong iniiwan.