Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 71:1-3

Mga Awit 71:1-3 RTPV05

Sa iyo lang, Panginoon, lubos akong nananalig, huwag mo akong pabayaang mapahiya at malupig. Tulungan mo po ako sapagkat ikaw ay matuwid, ako sana ay sagipin, sa daing ko ay makinig. Ikaw nawa ang muog ko, aking ligtas na kanlungan, matatag na kublihan ko at matibay na sanggalang.