Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 69:1-6

Mga Awit 69:1-6 RTPV05

O Diyos! Iligtas mo, iahon sa tubig sa pagkalubog kong abot na sa leeg; lumulubog ako sa burak at putik, at sa malalaking along nagngangalit. Ako ay malat na sa aking pagtawag, ang lalamunan ko, damdam ko'y may sugat; pati ang mata ko'y di na maidilat, sa paghihintay ko sa iyong paglingap. Silang napopoot nang walang dahilan, higit na marami sa buhok kong taglay; mga sinungaling na nagpaparatang, ang hangad sa akin ako ay mapatay. Ang pag-aari kong di naman ninakaw, nais nilang kuni't dapat daw ibigay. Batid mo, O Diyos, naging baliw ako, ako'y nagkasala, di pa lingid sa iyo. Huwag mo pong tulutan na dahil sa akin, ang nagtitiwala sa iyo'y hiyain; Yahweh, Makapangyarihang Panginoon ng Israel! Huwag mo ring itulot, bigyang kahihiyan ang nagsisisamba sa iyong pangalan.