Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 61:1-4

Mga Awit 61:1-4 RTPV05

Dinggin mo, O Diyos, ang aking dalangin; inyo pong pakinggan, ang aking hinaing! Tumatawag ako dahilan sa lumbay, sapagkat malayo ako sa tahanan. Iligtas mo ako, ako ay ingatan, pagkat ikaw, O Diyos, ang aking kanlungan, matibay na muog laban sa kaaway. Sa inyo pong tolda, ako ay payagan na doon tumira habang nabubuhay; sa lilim ng iyong bagwis na malakas, ingatan mo ako nang gayo'y maligtas. (Selah)