Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 6:1-10

Mga Awit 6:1-10 RTPV05

O Yahweh, huwag mo akong sumbatan nang dahil lamang sa galit, o kaya'y parusahan kapag ika'y nag-iinit. Ubos na ang lakas ko, ako'y iyong kahabagan, pagalingin mo ako, mga buto ko'y nangangatal. Ang aking kaluluwa'y lubha nang nahihirapan, O Yahweh, ito kaya'y hanggang kailan magtatagal? Magbalik ka, O Yahweh, at buhay ko'y iligtas, hanguin mo ako ng pag-ibig mong wagas. Kapag ako ay namatay, di na kita maaalala, sa daigdig ng mga patay, sinong sa iyo'y sasamba? Pinanghihina ako nitong aking karamdaman; gabi-gabi'y basa sa luha itong aking higaan, binabaha na sa kaiiyak itong aking tulugan. Mata ko'y namamaga dahil sa aking pagluha, halos di na makakita, mga kaaway ko ang may gawa. Kayong masasama, ako'y inyong layuan, pagkat dininig ni Yahweh ang aking karaingan. Dinirinig ni Yahweh ang aking pagdaing, at sasagutin niya ang aking panalangin. Ang mga kaaway ko'y daranas ng matinding takot at kahihiyan; sila'y aatras at sa biglang pagkalito'y magtatakbuhan.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya