Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 55:4-8

Mga Awit 55:4-8 RTPV05

Itong aking puso'y tigib na ng lumbay, sa aking takot na ako ay pumanaw. Sa tindi ng takot, ako'y nanginginig, sinasaklot ako ng sindak na labis. Wika ko, “Kung ako lamang ay may pakpak, parang kalapati, ako ay lilipad; hahanapin ko ang dakong panatag. Aking liliparin ang malayong lugar, at doon sa ilang ako mananahan. (Selah) Ako ay hahanap agad ng kanlungan upang makaiwas sa bagyong darating.”