Kung paanong batis ang siyang hanap ng isang usa; gayon hinahanap ang Diyos ng uhaw kong kaluluwa. Nananabik ako sa Diyos, sa Diyos na buháy, walang iba; kailan kaya maaaring sa presensya mo'y sumamba? Araw-gabi'y tumataghoy, gabi't araw tumatangis; naging tanging pagkain ko'y mga luha sa paghibik. Itong mga kaaway ko, sa tuwina'y yaong sambit, “Nasaan ba ang iyong Diyos? Hindi namin namamasid.” Nagdurugo ang puso ko, kapag aking maalala ang lumipas na kahapong lagi kaming sama-sama, papunta sa templo ng Diyos na ako ang nangunguna; pinupuri namin ang Diyos sa pag-awit na masaya! Bakit ako nanlulumo, bakit ako nagdaramdam? Sa Diyos ako may tiwala, siyang aking aasahan; Diyos na Tagapagligtas, muli ko siyang aawitan. Siya ay gugunitain ng puso kong tigib-hirap, habang ako'y nasa Jordan, sa Hermon, at sa Mizar di ko siya malilimot, gugunitain oras-oras. Ang dagat na kalaliman pakinggan at umuugong, at doon ay maririnig, lagaslas ng mga talon; ang katulad: nagagalit, malalaking mga alon, na sa aking kaluluwa ay ganap na tumatabon. Nawa ang pag-ibig ni Yahweh ay mahayag araw-araw, gabi-gabi siya nawa'y purihin ko at awitan; dadalangin ako sa Diyos, na sa aki'y bumubuhay. Sa Diyos na sanggalang ko ganito ang aking wika, “Bakit ako ay nilimot, nilimot mo akong kusa? Bakit ako nagdurusa sa kamay ng masasama?”
Basahin Mga Awit 42
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 42:1-9
7 Araw
Ako ba'y walang karamdaman sa buhay? Sa mga susunod na 7 araw, alamin kung paano makakuha ng mga susi para buksan ang isang masidhing buhay na ipinamumuhay para kay Cristo muli.
24 Days
The birth of Christ, His advent, marks God's ultimate plan for our redemption. In Christ, we see the fullest picture of God's hope, peace, joy and love. God's Word is the truth by which we know and walk with Him daily. It is our hope that this guide will encourage and facilitate personal time spent in the Word and provide a resource for families with children to do that together.
27 Days
How we posture ourselves in the Christmas season makes all the difference in our experience of the miracle of the Advent. Be inspired to surrender to Jesus, refocus on Him, and embrace the grace of our King in this 4-week daily devotional as you move through five different postures: Eyes Fixed, Head Up, Knees Bent, Hands Open, and Arms Wide.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas