Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 34:15-19

Mga Awit 34:15-19 RTPV05

Mga mata ni Yahweh, sa mat'wid nakatuon, sa kanilang pagdaing, lagi siyang tumutugon. Sa mga masasama, siya'y tumatalikod, at sa alaala, sila'y mawawala. Agad dinirinig daing ng matuwid; inililigtas sila sa mga panganib. Tinutulungan niya, mga nagdurusa at di binibigo ang walang pag-asa. Ang taong matuwid, may suliranin man, sa tulong ni Yahweh, agad maiibsan.