Mga Awit 3:1-3
Mga Awit 3:1-3 RTPV05
O Yahweh, napakarami pong kaaway, na sa akin ay kumakalaban! Ang lagi nilang pinag-uusapan, ako raw, O Diyos, ay di mo tutulungan! (Selah) Ngunit ikaw Yahweh, ang aking sanggalang, binibigyan mo ako ng tagumpay at karangalan.



