Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 27:4-9

Mga Awit 27:4-9 RTPV05

Kay Yahweh ay isang bagay lang ang aking hiniling, iisa lamang talaga ang aking hangarin: ang tumira sa Templo niya habang buhay, upang kagandahan ni Yahweh'y aking mapagmasdan, at doo'y humingi sa kanya ng patnubay. Itatago niya ako kapag may kaguluhan, sa loob ng kanyang Templo ako'y iingatan; sa ibabaw ng batong malaki ako'y ilalagay. Matatalo ko ang mga nakapaligid kong kaaway. Sa Templo'y sisigaw nang may kagalakan, habang mga handog ko'y iniaalay; aawitan ko si Yahweh at papupurihan. Pakinggan mo ako Yahweh, sa aking panawagan, sagutin mo ako at iyong kahabagan. Nang sabihin mo Yahweh, “Lumapit ka sa akin,” sagot ko'y, “Nariyan na ako at kita'y sasambahin.” Huwag ka sanang magagalit sa akin; ang iyong lingkod, huwag mo sanang palayasin. Tinulungan mo ako, Diyos ng aking kaligtasan, huwag mo po akong iwan, at huwag pabayaan!

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya