Ang buong daigdig at ang lahat ng naroon, ang may-ari'y si Yahweh na ating Panginoon. Itinayo niya ang daigdig sa ibabaw ng karagatan, inilagay ang pundasyon sa mga tubig sa kalaliman. Sa burol ni Yahweh, sinong nararapat umahon? Sa banal niyang Templo, sinong dapat pumaroon? Ang taong malinis ang buhay pati ang isipan, hindi sumasamba sa mga diyus-diyosan; at hindi sumusumpa ng kasinungalingan. Bibigyan siya ni Yahweh ng pagpapala't kaligtasan, ipahahayag siya ng Diyos na walang kasalanan. Ganoon ang mga taong lumalapit sa Diyos, silang dumudulog sa Diyos ni Jacob. (Selah) Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari'y papasok at daraan. Sino ba itong dakilang hari? Siya si Yahweh na malakas at makapangyarihan, si Yahweh, matagumpay sa labanan. Buksan n'yong mabuti ang mga tarangkahan, buksan ninyo pati mga lumang pintuan, at ang dakilang hari'y papasok at daraan. Sino ba itong dakilang hari? Ang makapangyarihang si Yahweh, siya ang dakilang hari! (Selah)
Basahin Mga Awit 24
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 24:1-10
7 Days
Generous living isn’t just about the acts we do—it’s a heart we allow God to cultivate within us. It is a journey of the heart and seeing everything we have as a gift from God. In this Bible Plan, we’ll discover that generous living goes way beyond our personal finances— it’s an others-focused lifestyle we live.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas