Mga Awit 20:6-8
Mga Awit 20:6-8 RTPV05
Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay! Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan, mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan. Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma, at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala; ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos. Sila'y manghihina at tuluyang babagsak, ngunit tayo'y tatayo at mananatiling matatag.


