Mga Awit 20:6-8
Mga Awit 20:6-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay! Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan, mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan. Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma, at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala; ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos. Sila'y manghihina at tuluyang babagsak, ngunit tayo'y tatayo at mananatiling matatag.
Mga Awit 20:6-8 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngayoʼy alam kong ang Diyos ang nagbibigay ng tagumpay sa haring kanyang hinirang. Sinasagot niya mula sa banal na langit ang kanyang dalangin, at lagi niyang pinagtatagumpay sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. May mga umaasa sa kanilang mga kabayo at karwaheng pandigma, ngunit kami ay umaasa sa PANGINOON naming Diyos. Silaʼy manghihina at tuluyang babagsak, ngunit kami ay magiging matatag at magtatagumpay.
Mga Awit 20:6-8 Ang Biblia (TLAB)
Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay. Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios. Sila'y nangakasubsob at buwal: nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
Mga Awit 20:6-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ngayon ko nalalaman na si Yahweh ang nagbigay, sa pinili niyang hari, ng kanyang tagumpay! Siya'y tinutugon niya mula sa kalangitan, mga dakilang tagumpay kanyang makakamtan. Mayroong umaasa sa karwaheng pandigma, at mayroon ding sa kabayo nagtitiwala; ngunit sa kapangyarihan ni Yahweh na aming Diyos, nananalig kami at umaasang lubos. Sila'y manghihina at tuluyang babagsak, ngunit tayo'y tatayo at mananatiling matatag.
Mga Awit 20:6-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang kaniyang pinahiran ng langis; Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay. Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo: Nguni't babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios. Sila'y nangakasubsob at buwal: Nguni't kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.
