Mga Awit 147:5-7
Mga Awit 147:5-7 RTPV05
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas, ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.


