Mga Awit 147:5-7 - Pagkumparahin ang Lahat ng Bersyon
Mga Awit 147:5-7 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas, ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.
Mga Awit 147:5-7 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Makapangyarihan ang ating Panginoon. Ang kanyang karunungan ay walang hangganan. Tinutulungan ng PANGINOON ang mga inaapi, ngunit nililipol niya nang lubos ang masasama. Umawit kayo ng pasasalamat sa PANGINOON. Tumugtog kayo ng alpa para sa ating Diyos.
Mga Awit 147:5-7 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Si Yahweh na ating Diyos ay dakila at malakas, taglay niyang karunungan, hinding-hindi masusukat. Taong mapagpakumbabá'y siya niyang itataas, ngunit lahat ng mayabang sa lupa ay ibabagsak. Umawit ng mga imno at si Yahweh ay purihin, purihin ang ating Diyos at ang alpa ay tugtugin.
Mga Awit 147:5-7 TLAB (Ang Biblia)
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; ang kaniyang unawa ay walang hanggan, Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama. Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios
Mga Awit 147:5-7 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))
Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan; Ang kaniyang unawa ay walang hanggan, Inaalalayan ng Panginoon ang maamo: Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama. Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat; Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios