Ang matuwid at mabuti ay siya kong ginampanan, sa kamay ng kaaway ko, huwag mo akong pabayaan. Aming Diyos, mangako kang iingatan ang iyong lingkod, at hindi mo babayaang guluhin ng mga hambog. Malamlam na ang mata ko, sa tagal ng paghihintay, sa pangako mo sa aking tatanggapi'y kaligtasan. Sang-ayon sa pag-ibig mo, gayon ang gawing pagtingin, ang lahat ng tuntunin mo ay ituro na sa akin. Bigyan mo ng pang-unawa itong iyong abang lingkod, upang aking maunawa ang aral mo't mga utos. Panahon na, O Yahweh, upang ikaw ay kumilos, nilalabag na ng tao ang bigay mong mga utos. Mahal ko ang iyong utos nang higit pa kaysa ginto, kaysa gintong dinalisay, utos mo'y isinapuso. Kaya iyang tuntunin mo ang siya kong sinusunod, pagkat ako'y namumuhi sa anumang gawang buktot.
Basahin Mga Awit 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 119:121-128
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas