Minamahal ko si Yahweh, pagkat ako'y dinirinig, dinirinig niya ako, sa dalangin ko at hibik; ako'y kanyang dinirinig tuwing ako'y tumatawag, kaya nga't habang buhay ko'y sa iyo lagi tatawag. Noong ako'y mahuhulog sa bingit ng kamatayan, nadarama ko ang tindi ng takot ko sa libingan; lipos ako ng pangamba at masidhing katakutan. Sa ganoong kalagayan, si Yahweh ang tinawag ko, at ako ay nagsumamo na iligtas niya ako. Si Yahweh'y napakabuti, mahal niya ang katuwiran, Diyos siyang mahabagin, sa awa ay mayaman. Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo; noong ako ay manganib, iniligtas niya ako. Manalig ka, O puso ko, kay Yahweh ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti't hindi siya nagpapabaya. Ako'y kanyang iniligtas sa kuko ng kamatayan, tinubos sa pagkatalo, at luha ko'y pinahiran.
Basahin Mga Awit 116
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 116:1-8
7 Days
Are you struggling with heartache, doubt, or doubting God's goodness through a life storm? Are you experiencing apathy or distraction in your spiritual walk? This 7-Day reading plan will help to reveal any doubt you may hold in your heart and will help you to use doubt as a signal to grow closer to God's heart.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas