Hindi na miminsan, marami nang beses iniligtas sila, naghimagsik pa rin, kaya naman sila'y lalong nagkasala. Gayunman, hindi rin tinitiis ng Diyos, kapag nananambitan, dinirinig niya't sa taglay na hirap kinahahabagan. Dinirinig sila at inaalaala kanyang kasunduan, nahahabag siya dahilan sa wagas niyang pagmamahal. Maging ang sumakop sa mga hinirang ay nangahabag din, sapagkat si Yahweh ang siyang nag-utos na iyon ang gawin. Iligtas mo kami, O Yahweh, aming Diyos, Panginoon namin, saanman naroon ang mga anak mo ay muling tipunin, upang ang ngalan mo ay pasalamata't aming dakilain. Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel, purihin siya, ngayon at magpakailanman! Ang lahat ng tao ay magsabing, “Amen!”
Basahin Mga Awit 106
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 106:43-48
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas