Hindi mo ba naririnig ang tawag ng karunungan, at ang tinig ng unawa'y hindi pa ba napakinggan? Nasa dako siyang mataas, sa tagpuan ng mga landas; nasa mga pintuan siya, sa may harap nitong bayan, nakatindig sa pagpasok at ito ang kanyang sigaw: “Kayo'y tinatawagan ko, tao ng sandaigdigan, para nga sa lahat itong aking panawagan. Kayong walang nalalaman ay mag-aral na maingat, at kayong mga mangmang, pang-unawa ay ibukas. Salita ko ay pakinggan pagkat ito'y mahalaga, bumubukal sa labi ko ay salitang magaganda. Pawang katotohanan itong aking bibigkasin, at ako ay nasusuklam sa lahat ng sinungaling. Itong sasabihin ko ay pawang matuwid, lahat ay totoo, wala akong pinilipit. Ito ay maliwanag sa kanya na may unawa, at sa marurunong ito ay pawang tama. Payo ko'y pahalagahan nang higit pa sa pilak, at ang dunong, sa ginto ay huwag sanang itutumbas. “Pagkat akong karunungan ay mahigit pa sa hiyas, anumang kayamanan ay hindi maitutumbas.
Basahin Mga Kawikaan 8
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 8:1-11
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas