Kapag umiiral ang katarungan, natutuwa ang matuwid, ngunit nalulungkot ang masama at may likong pag-iisip. Ang lumilihis sa daan ng kaalaman ay hahantong sa kamatayan. Ang taong maluho at mahilig sa alak ay di yayaman, bagkus sa hirap siya'y masasadlak. Ang masamang balak sa taong matuwid ay babalik sa liko ang pag-iisip. Mas mabuti ang mag-isang manirahan sa ilang kaysa makisama sa asawang madaldal at palaaway. Ang bahay ng matalino'y napupuno ng kayamanan, ngunit lahat ay winawaldas ng taong mangmang. Ang lumalakad sa daan ng katuwiran at katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan. Ang matalinong pinuno ay makakapasok sa lunsod na may mga bantay, at kanyang maiguguho ang inaasahan nilang muog na matibay. Ang pumipigil sa kanyang dila ay umiiwas sa masama. Ang taong makasarili ay palalo at mapang-api. Gutom ang papatay sa taong batugan, pagkat ayaw niyang ikilos ang kanyang mga kamay. Ang taong tamad ay nanghihingi araw-araw, ngunit ang matuwid ay di nagsasawa ng kabibigay. Ang handog ng masama ay kasuklam-suklam sa Diyos, lalo't ang layunin nito ay di kalugud-lugod. Ang patotoo ng sinungaling ay di papakinggan, ngunit ang salita ng tapat ay pahahalagahan. Alam ng matuwid ang kanyang hinaharap, di tulad ng masama, nagkukunwa, nagpapanggap. Ang kaalaman ng tao, unawa o karunungan ay di makatutulong kung si Yahweh ay kalaban. Ang kabayo'y naihahanda para sa digmaan, ngunit tanging si Yahweh ang nagbibigay ng tagumpay.
Basahin Mga Kawikaan 21
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 21:15-31
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas