Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugong marahas, poot ay hindi mawawaglit. Ang dila ng may unawa ay nagbubunga ng kaalaman, ngunit ang bibig ng mangmang ay bukal ng kahangalan. Ang paningin ni Yahweh ay nakatuon sa lahat ng lugar, ang masama at mabuti ay pawang minamasdan. Ang magiliw na salita ay nagpapasigla sa buhay, ngunit ang matalas na pangungusap ay masakit sa kalooban. Di pansin ng mangmang ang turo ng kanyang ama, ngunit dinirinig ng may isip ang paalala sa kanya. Ang tahanan ng matuwid ay puno ng kayamanan, ngunit ang masama'y nagkukulang sa lahat ng kailangan. Ang labi ng may unawa ay nagkakalat ng karunungan, ngunit hindi ganoon ang hangad ng isang mangmang. Kasuklam-suklam kay Yahweh ang handog ng masama, ngunit sa panalangin ng matuwid siya ay natutuwa. Sa gawaing masama, si Yahweh ay namumuhi, ngunit kanyang minamahal ang sa katuwiran lumalagi.
Basahin Mga Kawikaan 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 15:1-9
5 araw
Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connection sa totong kapayaan, which is Jesus. Ikaw ay isang peacemaker - ang tulay sa pagitan ni Jesus at ang mga kaibigan at pamilya mo! May abilidad kang wasakin ang conflict at i-reconcile ang mga tao kay Jesus! Alamin ang iba't ibang strategy para dito in our Peacemakers Bible Plan today!
7 Mga araw
7-day Reading Plan Patungkol sa May Power Ang Words Natin
7 Araw
Ang debosyon na ito ay naglalaman ng mga nakakapagbigay siglang mga talata sa Bibliya kung ikaw ay may galit. Hayaang palakasin ng mga talatang ito sa Bibliya ang iyong espirituwal na buhay
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas