Ang anak na may unawa'y nakikinig sa kanyang ama, ngunit walang halaga sa palalo ang paalala sa kanya. Natatamo ng mabuti ang bunga ng kanyang kabaitan, ngunit ang ninanasa ng masama ay puro karahasan. Ang maingat magsalita ay nag-iingat ng kanyang buhay, ngunit ang taong madaldal ay nasasadlak sa kapahamakan. Ang tamad ay nangangarap ngunit hindi natutupad, ang hangarin ng masikap ay laging nagaganap. Ang taong matuwid ay namumuhi sa kasinungalingan, ngunit ang salita ng masama ay nakakahiyang pakinggan. Ang mabuti'y iniingatan ng kanyang katuwiran, ngunit ang masama'y ipinapahamak ng likong pamumuhay. May taong nagkukunwang mayaman subalit wala naman, ngunit ang iba'y nag-aayos mahirap bagaman sila ay mayaman. Ang yaman ng isang tao ay pantubos sa kanyang buhay, ngunit sa isang mahirap ito ay hindi nakababahala. Ang matuwid ay tulad ng maningning na ilaw, ngunit ang masama ay lamparang namamatay. Ang kapalaluan ay nagbubunga ng kaguluhan, ngunit ang pakikinig sa payo'y nagbabadya ng karunungan. Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala. Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan. Ang nagwawalang-bahala sa payo ay hahantong sa sariling kapahamakan, ngunit ang nagpapahalaga sa utos ay gagantimpalaan. Ang mga turo ng matalino ay bukal ng buhay, ito ay maglalayo sa bitag ng kamatayan. Ang katalinuhan ay umaani ng paggalang, ngunit ang kataksilan ay naghahatid sa kapahamakan. Ang katalinuhan ng isang tao'y nakikita sa kanyang gawa, sa kilos ay nakikilala ang taong walang unawa. Ang masamang tagapagbalita ay lumilikha ng kaguluhan, ngunit ang mabuting tagapamagitan ay lumulutas ng alitan.
Basahin Mga Kawikaan 13
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 13:1-17
28 Days
Do you feel overwhelmed, dissatisfied, and stuck in a rut? Wishing your day-to-day life could improve? God's Word is your guide to brighter days. During this 28-day reading plan, you will discover ways you can go from living just a good life to living the type of better life that God desires you to have.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas