Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 12:11-23

Mga Kawikaan 12:11-23 RTPV05

Ang taong masipag ay sagana sa lahat, ngunit ang isang hangal, sa yaman ay salat. Ang nais ng masama ay puro kasamaan, ngunit ang tuntungan ng matuwid ay hindi magmamaliw. Ang masama ay nahuhuli sa salita ng kanyang bibig, ngunit ang matuwid ay malayo sa ligalig. Ang kakamtin ng tao ay batay sa gawa o salita, bawat isa ay tatanggap ng karampatang gantimpala. Ang akala ng mangmang ay siya lamang ang tama, ngunit handang tumanggap ng payo ang taong may unawa. Ang pagkainis ng mangmang kaagad nahahalata, ngunit ang mga matatalino, di pansin ang pagkutya. Sa pagsasabi ng tapat, lumilitaw ang katarungan, ngunit ang pagsisinungaling ay lumilikha ng kapahamakan. Ang matalas na pananalita ay sumusugat ng damdamin, ngunit sa magandang pananalita, sakit ng loob ay gumagaling. Ang tapat na labi ay mananatili kailanman, ngunit ang dilang sinungaling ay hindi magtatagal. Ang nagbabalak ng masama ay mag-aani ng kapahamakan, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y magtatamo ng kagalakan. Ang kasamaang-palad ay malayo sa matuwid, ngunit ang buhay ng masama ay puno ng ligalig. Namumuhi si Yahweh sa taong sinungaling, ngunit ang tapat ay ligaya niya at aliw. Hindi agad sinasabi ang alam ng matalino, ngunit kahangalan ay inihahayag ng mangmang na tao.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya