Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway. Anak ko, dinggin mo ang aral ng iyong ama, at huwag ipagwalang-bahala ang turo ng iyong ina; sapagkat ang mga iyon ay parang korona sa iyong ulo, parang kuwintas na may dalang karangalan. Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila. Kung sabihin nilang, “Halika't tayo ay mag-abang, bilang katuwaa'y daluhungin ang mga walang malay. Sila'y ating dudumugi't walang awang papatayin, at sila ay matutulad sa patay na ililibing. Ating sasamsamin ang lahat nilang kagamitan, bahay nati'y mapupuno ng malaking kayamanan. Halika at sa amin ikaw nga ay sumama, lahat ng masasamsam, bibigyan ang bawat isa.” Aking anak, sa kanila ay iwasan mong makisama, umiba ka ng landas mo, papalayo sa kanila. Ang lagi nilang hangad, gumawa ng kasamaan, sa tuwina ang bisig ay nakahanda sa pagpatay. Sa pag-uumang ng bitag ay walang mangyayari, kung nakikita ng ibon na nais mo siyang mahuli. Ngunit hindi nalalaman ng mga taong iyon, bitag nila ang sisilo sa sarili nilang ulo. Ganyan ang uuwian ng nabubuhay sa karahasan, sa ganyan nga magwawakas ang masamang pamumuhay.
Basahin Mga Kawikaan 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Kawikaan 1:7-19
5 Days
Seeking Daily the Heart of God is a 5 day reading plan intended to encourage, challenge, and help us along the path of daily living. As Boyd Bailey has said, "Seek Him even when you don't feel like it, or when you are too busy and He will reward your faithfulness." The Bible says, "Blessed are they who keep his statutes and seek him with all their heart." Psalm 119:2
8 Days
In a busy world, we have to make space for the things that matter most. We have to learn to apply godly wisdom that will help you incorporate these activities into your busy life. In some cases, you will find that you are doing the wrong things. Or you might find that you are doing the right things for the wrong reason or in the wrong way, so they are not life-giving or fulfilling.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas