Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 1:10-16

Mga Kawikaan 1:10-16 RTPV05

Aking anak, sakali mang akitin ka ng mga makasalanan, huwag kang papayag, tanggihan mo sila. Kung sabihin nilang, “Halika't tayo ay mag-abang, bilang katuwaa'y daluhungin ang mga walang malay. Sila'y ating dudumugi't walang awang papatayin, at sila ay matutulad sa patay na ililibing. Ating sasamsamin ang lahat nilang kagamitan, bahay nati'y mapupuno ng malaking kayamanan. Halika at sa amin ikaw nga ay sumama, lahat ng masasamsam, bibigyan ang bawat isa.” Aking anak, sa kanila ay iwasan mong makisama, umiba ka ng landas mo, papalayo sa kanila. Ang lagi nilang hangad, gumawa ng kasamaan, sa tuwina ang bisig ay nakahanda sa pagpatay.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya