Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo! Ipadama ninyo sa lahat ang inyong kabutihang-loob. Malapit nang dumating ang Panginoon. Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. Bilang pagtatapos, mga kapatid, dapat maging laman ng inyong isip ang mga bagay na karapat-dapat at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, kaibig-ibig, at kagalang-galang. Isagawa ninyo ang lahat ng inyong natutuhan, tinanggap, narinig at nakita sa akin. Sa gayon, sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan. Labis akong nagagalak sa Panginoon sapagkat pagkaraan ng mahabang panahon, minsan pang ipinamalas ninyo ang inyong pagmamalasakit sa akin. Alam kong hindi ninyo ako nalilimutan, wala nga lamang kayong pagkakataong matulungan ako. Hindi ko sinasabi ito dahil sa kayo'y pinaghahanapan ko ng tulong. Natutunan ko nang masiyahan, maging anuman ang aking kalagayan. Naranasan ko na ang maghikahos; naranasan ko na rin ang managana; natutuhan ko na ang sikreto kung paano masiyahan sa anumang kalagayan sa buhay, ang mabusog o ang magutom, ang managana o ang maghirap. Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo. Gayunman, ikinagagalak ko ang ginawa ninyong pagtulong sa aking mga paghihirap. Alam naman ninyo, mga taga-Filipos, na kayo lamang ang iglesyang nakahati ko sa hirap at ginhawa nang umalis ako sa Macedonia noong ako'y nagsisimula pa lamang sa pangangaral ng Magandang Balita. Noong ako'y nasa Tesalonica na, makailang ulit ding pinadalhan ninyo ako ng tulong. Hindi sa hangad kong laging tumanggap ng mga kaloob, kundi ang nais ko ay makatanggap kayo ng masaganang gantimpala. Narito ngayon ang katibayan ng labis-labis na kaloob ninyo sa akin. Higit pa sa pangangailangan ko ang tulong ninyo sa akin na hatid ni Epafrodito. Ang mga ito ay tulad ng mabangong handog sa Diyos, mga alay na katanggap-tanggap at kalugud-lugod sa kanya. At buhat sa hindi mauubos na kayamanan ng Diyos, ibibigay niya ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Purihin ang ating Diyos at Ama magpakailanman! Amen. Paratingin ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos at nananalig kay Cristo Jesus ang aking pagbati at ng ating mga kapatid na kasama ko rito. Binabati kayo ng lahat ng mga hinirang ng Diyos, lalo na ng mga naglilingkod dito sa palasyo ng Emperador. Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Panginoong Jesu-Cristo.
Basahin Mga Taga-Filipos 4
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Taga-Filipos 4:4-23
3 days
Maybe God isn’t who you think He is. Maybe He’s much better. This devotional will help identify some Christian clichés we’ve all heard that are actually unbiblical lies. These clichés may seem innocent, but are harmful to our faith and keep far too many believers stuck in spiritual immaturity. Learn to encounter these lies with the truths about God in the Bible to bring encouragement and freedom to our lives.
5 Days
Bestselling author Max Lucado explores God’s treatment plan for anxiety found in Philippians 4:4–8. As you follow this prescription – celebrating God’s goodness, asking for his help, leaving your concerns with him, and meditating on good things – you will experience God’s peace. While anxiety is a part of life, it doesn’t have to dominate your life.
The letter Paul wrote to the church in Philippi has traveled across generations to nourish and challenge our hearts and minds today. This five-day devotional gives you a taste of the book of Philippians, many centuries from when God authored it through Paul. May God fill you with wonder and expectation as you read this letter of joy! Because these are not just Paul’s words to an ancient church—these are God’s words to you.
5 Araw
Kung hindi ka napipigilan ng takot, ano kaya sa tingin mo ang itsura ng buhay mo ngayon? Gaano ka kalaki mangagarap? Magagawa mo na ba lahat ng nakasulat sa “bucket list” mo?? Nasubukan mo na bang mamuhay nang malaya sa chains ng FEAR? Kung mamumuhay tayo nang walang takot, masasaksihan nang marami ang kadakilaan ni Hesus sa atin.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas