Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Taga-Filipos 3:5-7

Mga Taga-Filipos 3:5-7 RTPV05

Ako'y tinuli nang ikawalong araw mula nang ako'y isilang. Ako'y isang tunay na Israelita, buhat sa angkan ni Benjamin at katutubong Hebreo. Kung pagsunod naman sa Kautusan ang pag-uusapan, ako'y isang Pariseo. Dahil sa masugid kong pagsunod sa Kautusan, inusig ko ang iglesya. Kaya't kung sa pagiging matuwid ayon sa Kautusan, wala ring maisusumbat sa akin. Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na pinapahalagahan ko noon ay itinuring kong walang kabuluhan ngayon.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Taga-Filipos 3:5-7