Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay, o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay, hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak. “Kung sa gabi'y dumating ang magnanakaw, ang kinukuha lamang nila'y ang kanilang magustuhan. Kapag ang mga tao'y namimitas ng ubas, kahit kaunting bunga'y nagtitira sila. Ngunit ang mga kaaway mo'y walang ititira kahit isa. O lahi ni Esau, ang yaman mo'y sasamsamin; at ang lahat ng sa iyo'y kukuhanin. Nilinlang ka ng iyong mga kapanalig, itinaboy ka mula sa iyong lupain. Nasasakop ka na ngayon ng iyong mga kakampi. Ang iyong mga kaibigang noo'y kasalo, ngayo'y naglagay ng patibong para sa iyo; at kanila pang sinasabi, ‘Nasaan na ang kanyang katusuhan?’” Sinabi ni Yahweh: “Darating ang araw na paparusahan ko ang Edom, lilipulin ko ang kanyang mga matatalinong tao, at ang kaalaman nila'y aking papawiin. Mga mandirigma ng Teman ay pawang nasisindak, at ang mga kawal ng Edom ay malilipol na lahat.
Basahin Obadias 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Obadias 1:4-9
5 Araw
Ang mapagmataas na usa ay mas malalim at mas maitim kaysa sa anumang kasalanan dahil sinasabi nito na hindi natin kailangan ang Diyos-ganyan binalaan ni Obadiah ang mga bansang kalapit ng Israel. Araw-araw na paglalakbay sa Obadiah habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas